TV

#MPK presents 'Ang Sakripisyo ng Isang Ina: The Nancy Cañares story'

Abangan ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor sa isang espesyal at natatanging kwento ng isang caregiver ngayong Sabado sa #MPK.

Napakagandang oportunidad para sa isang caregiver na makarating ng ibang bansa at kumita ng mas malaki pero paano kung sa kanyang pag-alis, bigla namang magkasakit ang kanyang asawa at maligaw ng landas ang kanyang anak?


Ngayong Sabado, panoorin natin ang nakakaantig na kwento ni Nancy - isang asawa at ina na sinakripisyo ang lahat upang maalagaan lamang ang pinakamamahal n'yang asawa at mailigtas sa masamang bisyo ang kanyang anak.

Simple at masaya ang buhay ng mag-asawang Nancy at Tony. Masipag silang magtrabaho dahil gusto nila ay makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

Subalit, isang matinding pagsubok ang dumating sa kanilang buhay.

Inatake sa puso si Tony at naospital. Naibenta nila ang kanilang mga jeepney at pwesto sa negosyo para lamang matugunan ang gastusin ni Tony sa pagpapagamot. Nahinto rin sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

Dahil dito, nagrebelde ang kanilang anak na si Jona. Nalulong ito sa droga, alak at nabuntis pa ng isang adik!

Nagpakatatag si Nancy para sa kanyang pamilya.

Nag-aral s'ya bilang caregiver at naghanap ng trabaho. Nagkaroon s'ya ng maraming pasyente. Nakakabili na rin s'ya ng gamot para kay Tony at naipasok pa n'ya sa rehab si Jona.

Hindi rin alintana ni Nancy ang sobrang pagod at hirap. Kaya n'yang hatiin ang oras sa trabaho para maalagaan ang kanyang pamilya.

Dahil sa husay ni Nancy bilang caregiver, inalok s'ya ng kanyang mayamang amo at pasyente na sumama sa ibang bansa. Handa raw sila na taasan ang kanyang sweldo, sumama lang s'ya.

Iwanan kaya ni Nancy ang kanyang asawa, anak at apo kapalit ng mas malaking pera sa ibang bansa?

O palalampasin na lamang ni Nancy ang magandang oportunidad na ibinibigay sa kanya?

Ano pa kaya ang sakripisyo na kayang ibigay ni Nancy para maiahon sa hirap at sakit ang mga mahal n'ya sa buhay?

Ngayong Sabado, May 1, tunghayan natin sa #MPK, “Ang Sakripisyo ng Isang Ina: The Nancy Cañares story”

Itinatampok ang nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor, sa kanyang natatangi at mahusay na pagganap bilang Nancy.

Kasama rin sina Ricky Davao, Diva Montelaba, Angeli Bayani, Chlaui Malayao, Rexcy Evert, Mannix Mannix, Roy Sotero, Cathy Remperas at Enrico Reyes.

Sa ilalim ng premyadong direksyon ni Maryo J. delos Reyes DGPI, mula sa panulat ni Vienuel Laviña Ello, at pananaliksik ni Karen P. Lustica.

Silipin ang ilang mga eksena mula sa episode na ito sa gallery sa ibaba: