OFW, pagtataksilan ng asawa at inaanak sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Inaanak, Inanakan

Photo Inside Page


Photos

Inaanak, Inanakan



Isang kuwento ng pagtataksil sa loob mismo ng iisang pamilya ang matutunghayan sa bagong episode ng Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Inaanak, Inanakan," kukupkupin ng overseas Filipino worker (OFW) na si Mila ang inaanak niyang si Didith habang may sakit ang mga magulang nito.

Pero dahil kailangan ni Mila na magtrabaho sa Saudi Arabia para sa kinabukasan ng anak niyang si Tereng, maiiwan niya si Didith sa asawa niyang si Rod.

Malalaman na lang ni Mila na may relasyon na pala sina Rod at Didith! Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ikagugulat niyang buntis si Didith at si Rod ang ama.

Tuluyan na bang masisira ang pamilya ni Mila?

Abangan ang brand-new episode na "Inaanak, Inanakan," July 13, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Gladys Reyes
Cheska Fausto
Christian Vasquez
Shayne Sava
Betray
Forgive
Inaanak, Inanakan

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties