TV

Magpakailanman presents 'Tamang Pag-ibig sa Maling Panahon'

 

Age does not matter pagdating sa pag-ibig. Ngunit paano kung bukod sa edad, medyo sagabal din ang ‘yong propesyon at ang iyong lumalaking waistline para sa pangarap mong true love?

Abangan ngayong Sabado, sa Magpakailanman ang nakakakilig at nakatutuwang kuwento ng isang teacher na umibig sa isang lalaking minsan niyang naging estudyante.

Kilalanin natin si Maribel na NBSB o No Boyfriend Siince Birth hanggang sa makilala niya si Nestor, ang unang lalaking nagpatibok sa mataba niyang puso.

Mapaglaro ngang sadya ang tadhana, dahil sa una pa lang ay lagi nang nananaginip si Maribel sa isang lalaki na tila estudyante. Hindi niya makita ang mukha nito noong una, pero hindi nagtagal ay lumabas din ang mukha nito at dito na nga niya nakilala si Nestor.

Dahil sa panaginip na ito, naging magkaibigan sina Nestor at Maribel. Isang pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan.

Sa una’y ayaw ni Maribel kay Nestor dahil sa agwat ng edad nila at dahil na rin sa kaniyang propesyon. Ngunit naging masugid si Nestor sa panliligaw kay Maribel at hindi agad sumuko. Kaya naman after nag-graduate ni Nestor sa high school, nakuha na rin nito ang matamis na "oo" ng dalaga.

Naging mag-boyfriend ang dalawa ngunit kinailangan nila itong itago dahil sa alam nilang marami ang magtataas ng kilay sa kanilang relasyon. Ngunit katulad ng maraming lihim, darating sa punto na ang sikretong ito’y nabunyag din.

Huwag natin palampasin kung paano na pagtagumpayan nina Maribel at Nestor ang nakasasakit at nakadudurog-pusong panghuhusga ng ilang mga taong nakapalibot sa kanila. ­­­­

Atin ding saksihan ang natatanging pagganap ng isa sa mga bigating artista ng industriya, na si Ruby Rodriguez bilang Maribel; kasama ang isa sa mga kapuso heartthrobs na si Derrick Monasterio.

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Mark Dela Cruz, mula sa panulat ni Patrick Ilagan at sa pananaliksik ni Jessie G. Villabrille.

Kiligin, tumawa, at mag-feeling sexy and free ngayong Sabado, sa nangungunang drama anthology sa bansa na nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.