Misis, laging namamatayan ng asawa sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Malas na Misis

Photo Inside Page


Photos

Malas na Misis



Kuwento ng isang babaeng malas sa pag-ibig ang matutunghayan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Ang malas na ito ay hindi dahil manloloko o mapanakit ang kanyang mga asawa kundi dahil isa-isa at magkakasunod na namamatay ang mga ito matapos maikasal sa kanya!

Sa episode na pinamagatang "Malas na Misis," may mga guhit sa palad ni Aileen na hugis kabaong na tanda raw ng malas.

Hindi niya ito pinaniwalaan, hanggang sa sunud-sunod na yumao ang mga lalaking minahal niya.

Paano malalagpasan ni Aileen ang kamalasang ito?

Abangan ang brand-new episode na "Malas na Misis," January 18, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Pokwang
Simon Ibarra
Michael Flores
Allen Dizon
Love
Director
Malas na Misis

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties