TV

Magpakailanman presents 'Sakripisyo ng Isang Ina'

Wala talagang makakapantay sa pagmamahal ng isang Ina, lalo na mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang anak.

Hanggang saan nga ba kayang ipaglaban ng isang Ina ang kanyang anak lalo na at nalugmok na ito sa masamang barkada at bisyo?

Sukdulan bang ibigay nila ang kanilang buhay para sa anak?

Ngayong Sabado, panoorin natin ang totoong kwento nina Zeny at Lando –  isang kakaibang kwento ng pagmamahal ng ina para sa kanyang anak.

Malakas ang loob at hindi sumusuko sa hamon ng buhay si Zeny para lamang maitaguyod at mapag-aral niya si Lando. Ito lang kasi ang kaya niyang maipamana sa kanyang anak.

Mabait at magalang na bata si Lando, masunirin sa lahat ng iniuutos ng kanyang Ina. Naging tampulan ng tukso din si Lando sa school dahil sa wala siyang ama. Pinilit ni Lando na maging matatag sa kabila ng panunukso sa kanya.

Magmula ng malaman niya ang inilihim ni Zeny tungkol sa kanyang ama, nagsimula ng magrebelde si Lando.

Nakilala ni Lando si Sky at tuluyan na ding sumali sa Gang. Nalulong si Lando sa masasamang gawain at naging madalas na rin siyang nasasangkot sa mga riot at rumble!

Paano maililigtas ni Zeny si Lando mula sa masasamang barkada? O tuluyan na nga bang mapariwa ang buhay ni Lando?

Ngayong Sabado, May 21, 2016, tunghayan natin sa Magpakailanman ang “Sakripisyo ng isang Ina.”  Itinatampok sina Gina Alajar bilang Zeny, Kiko Estrada bilang Lando at Paolo Contis bilang Sky. Kasama rin sina Jay Arcilla, Kenneth Salva at Gil Wagas.

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Paul Sta. Ana, mula sa panulat ni Loi Nova, at pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona.