TV

Magpakailanman presents 'Fight for Love: The Buboy Villar and Angillyn Gorens Love story'

Bawat isa sa atin ay naghahangad na makahanap ng taong magmamahal ng tapat at masasabi mo na ito na nga ang “True Love.”

Ngunit hanggang saan ba ito kayang ipaglaban ng dalawang pusong nagmamahalan lalo na’t tutol dito ang karamihan?

Kilala natin si Buboy Villar bilang isang mahusay na actor mula pagkabata hanggang sa nagbinata na. Habang si Angillyn ay nagsisimula sa mundo ng showbiz bilang isang talent.

Pinagtagpo sila ng tadhana sa taping ng “The Half Sisters” kung saan pareho silang kasama sa naturang programa. Love at first sight si Buboy kay Angillyn. Naging mabuting magkaibigan sila hanggang sa nahulog na ang loob nila sa isa’t isa. Ngunit hindi naging madali ang kanilang relasyon kaya pinili muna nila itong itago lalo na’t marami ang tutol dito.

Iba’t ibang pagsubok man ang hinaharap ng kanilang pagsasama ngunit nananig pa rin ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Tunghayan ang isa sa mga mainit at pinaguusapang pagmamahalan ngayon na gagampanan mismo nina Buboy Villar at Angillyn Gorens.  

Makakasama din sina  Elizabeth Oropesa, Gino Padilla, Chezka Diaz, Jan Manual, Renz Michael Valerio, Annicka Dolonius, Veronica “Kai” Atienza, Kurt Kendrick, Carlo Cannu at Mach Vi John Duran.  With special participation of Thea Tolentino.

“Fight for Love: The Buboy Villar and Angillyn Gorens Love story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Bb. Joyce Bernal, mula sa panulat ni Honey Hidalgo at pananaliksik ni Angel Launo.

Walang hidwaan na hindi nauuwi sa pagkakaunawaan kung atin lamang bubuksan ang ating puso at kaisipan. Tunghayan yan ngayong Sabado, August 27, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.