TV

Magpakailanman presents 'Lost Phone, Love Found'

Ngayong sabado tunghayan ang nakakakilig na love story nina Rowena at Jaypee kung paano sila nagkakilala at nag-kainlaban sa isa’t-isa sa pambihirang sitwasyon at kung paano nila naipaglaban ang kanilang pag -iibigan.

Na kay Rowena na raw noon ang lahat pero hindi naman daw sa pagiging materialistic pero ang kulang na lang daw sa buhay niya ay cellphone na touch screen. Kaya pinag-ipunan niya ito.

Mukhang may hatid pang swerte ang kanyang cellphone dahil after 2 months ay nagkaroon siya ng lovelife.   Nakilala niya ang lalake na seaman. Pero matapos ang anim na buwan, ang kanyang boyfriend ay bigla na lang daw hindi nagre reply sa texts or tawag nya.

Bukod sa pagiging broken hearted ay isang pangyayari ang nagpasakit lalo sa kanyang damdamin nang hindi kinalaunan ang kanyang pinag-ipunang cellphone ay na snatch sa jeep (October 2012).

Sa facebook ay biglang may nag message sa kanya. Kaya nag eyeball na sila kaya nakilala nya nang personal si Jaypee.  Ang nakakuha raw ng kanyang cellphone. Napunta raw kay Jaypee ang cellphone ni Rowena ng tumama sa ending ng basketball ang kanyang ama noong November 2012 at ang pa premyo ay cellphone.

Nung nakita niya si Rowena ay mas nagandahan siya sa personal. After ng kanilang eyeball ay naging mag textmate. Dalawang linggo matapos silang unang magkakilala ay naging official na silang “in a relationship”.

Pero isang pangyayari ang dumating dahil yung dating boyfriend ni Rowena na nang-iwan sa kanya ay biglang bumalik. Pero naisip niyang aanhin niya naman ang pera kung hindi niya naman ito gusto. kaya si Jaypee pa rin ang pinili nya.

Ang kanilang pagmamahalan ay mas lalong tumibay ng mabiyayaan sila ng isang anak na lalake.

Tunghayan ang makulay nilang love story na ginagampanan nina Joyce Ching at Kristoffer Martin. Kasama rin sa episode sina Ina Feleo, Maricris Garcia, Juancho Trivino at Pekto.

Ang "Lost Phone, Love  Found" The Rowena and Jaypee Bombales Love Story" ay sa ilalim nang direksyon ni Rechie del Carmen. Sa panulat ni Agnes Gagelonia-Uligan at sa pananaliksiksik nina Cynthia delos Santos at Angel Lauño.

Mapapanuod ngayon Sabado , October 1, sa Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto