TV

Magpakailanman presents 'Davao Bombing: Mga Kuwento ng Pag-asa'

 

 

September 2, 2016 will forever be remembered in recent Philippine history as the day when 80+ ordinary people suffered wounds from shrapnels and splinters from a bomb that exploded in the middle of a busy night market in Roxas Ave, Davao City. 15 people died.

Para sa mag asawang Dennis at Melanie Larida at anak nilang si Josh, September 2 was just an ordinary Friday.  Nagcheck-in sila sa isang hotel malapit sa Roxas Night Market upang kinabukasan ay magjogging sana sa kalapit na Davao City People's Park. 

Pero dahil maaga pa para matulog, nagyaya si Melanie sa kanyang  mag ama na bumaba sa night market upang ibili ng sapatos,shorts and t-shirt si Josh. Kasabay nito ay naisipan din ng mag-ina na magpamasahe.

Ang mag asawang Erickson at Mayette Nacario naman ay regular na customer ng mga masahista sa Roxas Night Market, nagpunta sila duon para magrelax at magpamasahe after a day's work. 

Si Erickson ay isa real estate agent at si Mayette naman kahit isang housewife ay may maliit na tindahan sa harap ng kanilang tahanan.

Si Eldi Ampaso ay isang corn kernel vendor sa night market. Araw araw ay maaga sila ng kanyang amo na nagbubukas ng tindahan para kapag nagdatingan na ang mga parokyano ng night market ay makabenta sila agad at makaubos ng maaga. He relocated from Iligan city after na mangakong magbabago sa kanyang pamilya. Naging adik kasi sa shabu si Eldi at ang Davao city ang napili niyang lugar para magbago dahil may programa ang syudad para sa mga nalulong sa drugs na gustong magbagong buhay.

Sina Eufemia at Victor Biscocho naman ay mag-nanay na may malalim na kwento sa pagitan nilang mag ina. Noong bata si victor ay inilayo at itinago siya ni Aling Eufemia sa asawa nitong nambubugbog. Lumaki si Victor na hindi nakilala ang kanyang ama. Lumaki rin siyang malayo sa ina dahil nagtatrabaho ito bilang masahista sa Davao City at siya ay iniwan sa pangangalaga ng mga kaanak sa Iligan city.

Si Kyla Merecido naman ay kabilang sa isang malaking pamilya ng mga masahista na nagtatrabaho sa roxas night market.  Matapos na ilang beses mabigo sa mga attempt niya na magkaroon ng magandang career abroad ay nagdecide na siyang umuwi at sa Pilipinas na magtrabaho. Sumama na siya sa mga kapatid at pamangkin niya na magmasahe na rin sa night market ng Davao.

Sila ay mga taong kabilang sa limang pamilya na habang panahon na magbabago ang buhay dahil sa naganap na pambobomba sa Davao City Night market noong September 2, 2016.

For every life lost in the tragedy is a family left behind struggling to survive. This is their story of hope and courage. In memory of the Davao City bombing victims.

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, sabay sabay nating tunghayan ang kwento ng "Davao Bombing: Mga Kuwento ng Pag-asa."

Itinatampok sina Chanda Romero bilang Eufemia, Victor Neri as Dennis, Sherilyn Reyes bilang Melanie, Joross Gamboa bilang Victor, Diva Montelaba bilang Ruth/Kyla, April Gustilo bilang Mayette, Ken Alfonso bilang Erickson, Sinon "Rogelia" Loresca Jr bilang Eldi, Dea Formilleza bilang Jasmin. 

Sa direksyon ni Albert Langitan, sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik nina Angel Lauño at Rodney Junio.