TV

Magpakailanman presents 'Ang Sakripisyo ng Anak: The Ramon Burce story'

Kapansanan ba ang dapuan ng sakit ng Tipus?  Paano kung dahil sa sakit na ito ay maapektuhan ang iyong utak, dahilan para hindi ka mahalin ng sarili mong ina at mga kapatid? Paano mo tatanggapin ang pang lalait ng iyong sariling kamag-anak?

 

 

Ngayong Sabado, sama-sama nating panoorin ang totoong kwento ni Ramon Burce. Isang kakaibang kwento ng anak na pinagkaitan ng pagmamahal dahil sa kanyang kapansanan.

Baby pa lang si Ramon ay dinapuan na siya ng sakit ng Tipus. Dahil dito, humina ang pang-unawa ni Ramon at nagkaroon siya ng kapansanan.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, hindi naramdaman ni Ramon ang pagmamahal mula sa kanyang ina.

Lumaki si Ramon na tampulan ng tukso sa kanilang lugar at ang masakit ay mismong mga kapatid din niya ang nang lalait kay Ramon. Wala rin siyang suportang nakukuha mula sa kanyang Ina.   Tanging ang ama lang ni Ramon ang kanyang kakampi.

Dumating ang panahon na namatay na ang ama ni Ramon at nagsipag asawa na rin ang kanyang mga kapatid. Si Ramon na lang ang naiwan upang makasama ng kanyang Ina.

Paano mo aalagan ang iyong ina gayung alam mong wala itong pagmamahal sa iyo? Paano kung magkasakit ang iyong ina at ikaw lang ang tangi niyang maasahan? Tatalikuran mo ba ito dahil sa masamang ipinakita niya sa iyo? 

Ngayong Sabado, January 21, 2017, tunghayan natin sa Magpakailanman ang "SAKRIPISYO NG ANAK: THE RAMON BURCE STORY"

Itinatampok sina Gina Alajar as Naty, Christian Bables as Ramon, Allan Paule as Juliano, Faith Da Silva as Mia, Zymic Jaranilla as young Ramon, Catherine Remperas as Letty. Kevin Sagra as Edgar, Roy Sotero as Aniano. Avid Razul as Oca at Mon Marasigan as Cenon. 

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Maryo J. Delos Reyes, mula sa panulat ni Honey Hidalgo at pananaliksik nila Karen Lustica at Stanley Bryce Pabilona.