TV

WATCH: Kuwento ng buhay ng internet sensation na si Madam Kilay, mapapanood sa 'Magpakailanman'

By MICHELLE CALIGAN
 

Bago pa man naging bahagi ng Eat Bulaga bilang beauty and image consultant ni Kap, nakilala muna si Madam Kilay, o si Jinky Anderson sa totoong buhay, sa kanyang viral videos. Isa na dito ang video kung saan kasama niya ang asawa niyang Amerikano na si Paul, na tinatawag niyang Afam.

 

Ngayong Sabado, June 3, tampok sa Magpakailanman ang mala-rollercoaster ride na buhay ni Madam Kilay. Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras, matutunghayan sa naturang drama anthology ang mga hirap na pinagdaanan ni Madam Kilay bago makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon.

"Tawanan, iyakan, inspirasyon sa mga kabataan and also sa mga OFW. Ignore n'yo ang mga taong nagda-down sa inyo," payo niya sa mga manonood.

Panoorin ang buong report dito:

Video from GMA News