TV

First appearance ni Diether Ocampo sa GMA, mapapanood sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz

Lubos na espesyal ang upcoming episode ng weekly real-life drama anthology na Magpakailanman.

Ito kasi ang Father's Day special na handog ng programa. Bukod dito, si Diether Ocampo pa ang nakatakdang bumida sa episode.


Ito ang first appearance ng aktor sa Kapuso network. Bibigyang buhay niya ang kuwento ni Anton Ramos, isang biyudo na gagawin ang lahat para tuparin ang hiling ng yumaong asawa na i-breastfeed ang kanilang anak. 

Makakapares pa ni Diet sa episode si Kapuso leading lady at Ms. World 2013 Megan Young. 

Video from GMA News

Abangan si Diether at ang kanyang paglabas sa Father's Day special ng Magpakailanman ngayon Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento