TV

Magpakailanman presents 'I Will Follow You: The Popular Love Story of Jon Gutierrez and Jelai Andres'

Ngayon Sabado tunghayan ang kuwento ng viral sensations na sina Jon Gutierrez at Jelai Andres na tinawag na Team Jolai ng mga netizens.

Dating nagtratrabaho sa Qatar  bilang receptionist sa isang real estate company si Jelai . Dahil magaling kumanta, pati sa hosting ay  lagi syang kinukuha  ng filipino community doon na magperform. Si Jon Guterrez naman ay isang accountant sa isang hotel sa UK. Solong anak,  7 years old pa lang nang mag move siya sa UK with his parents. Sobrang close nila ng mother nya kaya gumagawa sya ng videos na may jokes kasama ang nanay nya.  Kinagat naman ito on- line hanggang sa nag- vi-viral na sya.

Napapanuod naman ni Jon on-line  si Jelai at naging instant fan sya nito, naging crush nya agad si Jelai. After ilang years sa Qatar, umuwi na si Jelai sa Pinas para ipursue naman ang modelling at hosting.

Hanggang sa nakita ni Jelai yung nag-viviral video ni Jon na nakikipagkulitan sa nanay nya. Kaya shinare nya ito sa social media. Natuwa naman ang mga followers ni Jelai sa viral video ni Jon. Ang mga followers naman ni Jon ay ganun din, natuwa dahil shinare ni Jelai ang video ni jon.. Kaya ang mga followers nina Jelai at Jon ay nagsanib na. Patuloy na dumami ang kanilang followers dahil sa kahit magkalayo sila ay na e-edit naman ni Jon ang videos nila na parang magkasama sila. Kaya nabuo ang #TEAMJOLAI. Umabot na nga sa 13 million views ang kanilang  videos sa YouTube.

Nabuo ang pagmamahalan nina Jelai at Jon kaya bawat galaw sa buhay nila ay sinusundan ng kanilang mga followers sa social media. Hanggang isang araw ay isang pagsubok ang gustong sumira sa kanilang relasyon. Tuluyan kaya silang maghihiwalay?

Ang Love Story ni Jon Gutierrez at Jelai Andres ay pinangungunahan ni Julie Ann San Jose bilang Jelai, Jake Vargas as Jon, Rita Avila as Jelai's mom, Allan Paule as Jelai's dad, Gillette Sandico as Jon's mom, Koreen Medina as Kris, Reese Tuazon as Fatima at Paolo Gumabao as Peng at Maricris Garcia as Candy.

Ang "I will follow you: The Popular Love Story of Jon Gutierrez and Jelai Andres" ay idinirehe ni Ms. Rechie Del Carmen, sa panulat ni Jessie Villabrille at sa pananaliksik ni Angel Launo. Mapapanuod na ngayon Sabado, Sept 16, 2017, pagkatapos lang ng Pepito Manaloto.