TV

Magpakailanman presents 'Beki ka, Tibo ako, Forever tayo: The Gemini Naraga and Myen Oronan Story'

Hanggang saan ba kayang panindigan ang “Love knows no Gender” kung ang karamihan ay sa simula pa lang ay wala nang ginagawa kundi ang husgahan ang inyong pagsasama? Kaya mo bang panindigan ang ganitong pagmamahalan o bibitawan na lang para di na masaktan?

Lumaki sa  isang simpleng pamilya si Gemini. Bata pa lang sya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang at naiwan sa pangangalaga ng kanyang Lola. Bata pa lang si Gemini ay nararamdaman na niyang binabae siya. Pinagkakatuwaan man ng karamihan, importante ay 100% ang suporta ng kanyang lola sa kanya.

Habang si Myen ay lumaki din sa isang simpleng pamilya. Bata pa lang din ay tanggap na ng kanyang pamilya na sya ay isang lesbian. Ngunit dahil sa hirap sa buhay, sya na ang naging katuwang ng kanyang pamilya para maitaguyod ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Isang pagkikita ang inaakala nilang biro ng tadhana dahil siMyen ay biglang nanligaw kay Gemini!!! Kinikilig man si Gemini ay di nya ito maipakita dahil sa pag-aakalang di seryoso si Myen. Hanggang sa nahulog ang loob nila sa isa’t isa at di nagtagal ay napagkasunduan nilang magsama.

Hanggang sa dumating sa kanila ang swerte kung saan napili sila sa segment na”Sugod bahay: All for Juan, Juan For All” ng Eat Bulaga.  Simula noon ay pinag-usapan na sila at hindi napigilang husgahan dahil sa kakaiba nilang love story.

Tunghayan natin ang kakaiba at nakakakilig na love story ng isang binabae at isang tomboy na gagampanan nina Martin Del Rosario at Inah de Belen. Makakasama din sina Mike Magat, Eva Darren, Kyle Vergara, Carl Cervantes, at Analyn Barro.

Ang episode na “Beki Ka, Tibo Ako, Forever Tayo: The Gemini Naraga and Myen Oronan Story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Rechie Del Carmen, mula sa panulat ni Charlotte Dianco at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos. Mapapanood ngayong Sabado, September 23, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.