TV

WATCH: Miguel Tanfelix at Cris Villanueva, bibida sa 'Magpakailanman' ngayong Sabado

By Michelle Caligan

Gaganap bilang mag-ama sa Magpakailanman ngayong Sabado sina Miguel Tanfelix at Cris Villanueva.

IN PHOTOS: Sina Miguel Tanfelix at Cris Villanueva bilang mag-ama sa 'Magpakailanman'

Sa ulat ng Unang Hirit, ikinuwento ng dalawang aktor ang kanilang mga role sa naturang episode.

"Ako si Jeremy, tapos pinabayaan ako ng mga magulang ko. May nag-ampon sa akin na bading. Siya ang magpapalaki sa akin. Una hindi ko matanggap, at doon iikot ang istorya," pagbabahagi ni Miguel.

Ayon naman kay Cris, "Ang role ko dito ay si Pepito. Isa akong kakaibang ama. Ako 'yung ama na mayroong parlor, ako ang mismong nagpa-parlor. Kumbaga hindi ako tunay na lalake. Nagkaroon ako ng minahal na anak."

Kasama rin nila dito sina Mel Martinez, Leandro Baldemor, Prince Villanueva at Joshua Jacobe.

Panoorin ang buong report dito: