TV

Magpakailanman presents 'Ang Puso ng Isang Guro: The Luzviminda Goto-Ojeda Story

Ngayon Sabado, tunghayan ang kuwento ng isang matalinong guro sa Binangonan na si Ms. Luz  Goto na dumaan sa ibat-ibang klase nang pagsubok.

Paborito sya nang halos lahat ng mga estudyante, dahil 'di conventional ang pagtuturo, may humor at nagpapatawa. History at Economics ang kanyang itinuturo at kabisado nya lahat nang  pangalan ng mga estudyante. Naka- pustura at masasabing pambato at role model teacher sa kanyang paaralan. Walang magsasabi na 'di sya magaling na guro. Kilala nga sya sa bayan nila na isang magaling na guro.

Breadwinner si Luz  sa magkakapatid , dahil sya lang nakatapos. Pero nang sya ay umibig ikakasal na lamang sya ay bigla naman pumanaw ang lalakig pakakasalan niya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagmahal syang muli at nung naglaon ay nagpakasal at nagkaroon ng dalawang supling. Pero pagkatapos ng 3 taon ng pagsasama ay inatake naman ang kanyang asawa sa puso. Dito na nagsimula ang kanyang depression. Hanggang sa nagkaroon sya ng sakit at tuluyan na syang nagresign bilang guro.

Dahil sa walang trabaho ay nagka-hirap hirap na sya sa buhay, pasanin nya ang kanyang ina na may sakit, 2 anak, 2 step-son at mga pamangkin. Nakasangla na rin ang kanyang bahay dahil sa mga utang. Sa tulong ng kanyang mga dating estudyante tinulungan sya ni Mary Rose para bigyan ng medical at financial assistance. Sa ngayon ay natutulungan na sya ng mga anak nya dahil sa may trabaho na rin sila . 

"Ang puso ng isang guro: The Luzviminda -Ojeda Story"  ay pinangungunahan ni Lj Reyes as young Luz, Melissa Mendez as older Luz, Ryan Eigenmann as Angelo, Dominic Roco as Reynaldo, Vaness Del Moral as young Rita, Renz Valerio as young Matthew at Jacob Briz.

"Ang puso ng isang guro" ay idinirehe ni Gina Alajar, sa malikhaing panulat ni Senedy H. Que, sa pananaliksik ni Angel Lauño. Mapapanuod na ngayong darating na Sabado, Oct. 21, 2017, pagkatapos ng Pepito Manaloto.