Huwag palampasin ang natatanging pagganap ni Miguel Tanfelix sa 'Ang Huling Laro Ng Aking Anak' ng 'Magpakailanman' ngayong Sabado, July 18.
Miguel bilang Carlos
Eula bilang Rosalyn, ang ina ni Carlos
Jazz bilang Kristine
Pancho bilang Randy
Masayahin ang pamilya ni Carlos
Pero nagkaroon sila ng matinding pagsubok
Na-stroke ang ama niyang si Arman
Dahil sa sakit ng ama, naisipan ni Carlos na maglaro ng computer games para magkapera
Kasama rin sa episode na ito si Buboy Villar
Nalulong si Carlos sa paglalaro ng DotA at ng iba pang computer games
Hindi na siya kumakain o umiinom at kulang pa lagi sa tulog
Hindi nagtagal, binalikan din si Carlos ng sakit dahil sa labis na pang-aabuso niya sa sarili
Paano kung ang labis na pagmamahal ni Carlos sa kanyang pamilya ang siya palang maging sanhi ng malubha niyang sakit? Alamin ngayong Sabado sa 'Magpakailanman'.