TV

Magpakailanman presents 'My Sister, My Mother'

Ang kahihiyan ng bawat miyembro sa ating pamilya ay madalas nating sinisekreto upang mapangalagaan ang reputasyon ng ating pamilya lalo na at ang ating pamilya ay mula sa respetadong retired military at politiko.

Ngayong Sabado, sama-sama nating panoorin ang totoong kuwento nila Ayesa at Ayani. Isang kakaibang kuwento ng pamilya.

Bunso sa magkakapatid si Ayani, lumaki siya sa piling nila Papa Ceto at Mama Nita. Papa's girl si Ayani kaya naman sobrang malapit siya kay Ceto, kabaliktaran naman ng kanyang ate na si  Ayesa na strikto at masungit sa kanya. Dahil sa pagiging malapit niya kay Ceto ang naisip ni Ayani na dahilan kung bakit galit sa kanya si Ayesa.

Nagsimulang ang mga pagbabago sa buhay ni Ayani ng mapansin niyang may taong nangboboso sa kanya tuwing maliligo siya, hanggang sa nadiskubre niya kung sino ang taong ito! Walang iba kung hindi ang kanyang Papa Ceto na ilang beses pa siyang pinagtangkaang halayin!

Nang isiwalat ni Ayani ang totoong pagkatao ni Ceto at pang momolestiya sa kanyang nito, sumambulat sa kanya ang mas malaking sikreto! Hindi pala niya tunay na mga magulang sina Nita at Ceto kung hindi ito ang kanyang grandparents at ang tunay niyang magulang ay walang iba kung hindi si Ayesa!

Dahil sa nabunyag na mga katotohanan, lumayas si Ayani at sumama sa kanyang boyfriend na kalaunan ay nakabuntis sa kanya. Hindi rin nagtagal naghiwalay sila nito dahil sa nagkaroon ito ng iba pang babae.

Bumalik si Ayani sa kanyang inang si Ayesa para doon muna tumuloy, Tulad ng dati ay hindi pa din siya nito itinuturing bilang anak. Hanggang sa napuno at sumabog na si Ayani sa trato sa kanya na nagbukas ng isa pang mas malaking sikreto mula sa pagkatao ni Ayesa! Isa pala siyang biktima ng rape at si Ayani ang bunga nito! Paano mo tatanggapin ang mga sikretong ito sa iyong buhay? Paano kaya kayo magkakapatawaran ng iyong ina na inakala mong dati mong kapatid?

Ngayong sabado, April 7, 2018, tunghayan natin sa Magpakailanman ang  "My Sister, My Mother." Itinatampok sina Sunshine Dizon as Ayesa, Therese Malvar as Ayani, Alan Paule as Papa Ceto, Lui Manansala as Mama Nita, Dea Formilleza as Rhea at Kevin Miranda as Louie. Sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Gil Tejada Jr., mula sa panulat ni Vien Ello at pananaliksik ni Stanley Bryce Pabilona