TV

Magpakailanman presents 'The Blind Teacher'

Paano kaya haharapin ng isang bulag na guro  ang mga hamon ng pagiging isang ina hindi lang sa mga batang tinuturuan niya kundi maging sa kanyang sariling anak?

Tunghayan natin ang makabuluhang kwento  ni Teacher Tina—Isang bulag na guro at isang single mother na nakaranas ng mga panlalait at pang-aapi dahil sa kanyang kapansanan at madilim na nakaraan.

Makakaya pa kaya ni Teacher Tina na mapagtagumpayan ang lahat ng mga pagsubok kung ang kanyang napapariwarang anak na inaasahan niyang maging kakampi ay kinakalaban siya at kinukwestiyon ang kanyang kakayahan na maging isang mabuting ina?

Ngayong Sabado, May 26, subaybayan natin sa Magpakailanman ang isang madamdaming kuwento na pinamagatang THE BLIND TEACHER sa pangunguna ng Kapuso Star na si Janice de Belen sa kanyang natatanging pagganap bilang Teacher Tina.

Kasama rin sina Mika dela Cruz bilang Kristine, Bing Davao bilang Papa Ben, Kevin Sagra bilang Louie, Jhiz Deocareza bilang Marco at Jayzelle Suan bilang batang Kristine.

Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, mula sa panulat ni John Roque, at matinding pananaliksik ni Cynthia A. delos Santos.