TV

Magpakailanman presents 'Ang Babae sa likod ng Blusang Itim: The Ups and Downs of Snooky Serna'

Ngayon darating na Sabado tunghayan ang makulay na buhay ni Snooky Serna.

Nag umpisa si Snooky bilang child Star noong ma-discover siya ni Mother Lily. Hanggang sa nilunsad siya bilang original Regal Baby ng Regal Films kaya sunod-sunod ang kanyang mga pelikula. Nakapundar agad ng bahay si Snooky kahit sa murang edad pa lamang.

Pero nang ma-in love siya noong teenager siya ay na-depress siya nang maghiwalay sila ng kanyang ka-loveteam kaya tumigil siyang magtrabaho ng isang taon.

Nakabalik sa showbiz si Snooky, pero dahil sa sinabihan siya na bawal siyang tumaba dito naman na-develop ang Anorexia niya. Nag develop muli siya nang depression kaya dito na siya binansagan ng mga movie press na “pagong” dahil lagi siyang late sa set ng pelikula. Pero sa blockbuster film na “Blusang Itim” dito na sinabi ni Snooky na siya na ang “flying pagong!"

Sa pelikulang “Madonna, Ang Babaeng Ahas” ay natuka ng ahas si Snooky , akala niya ay mamatay na siya. Dito na siya nagkaroon ng emotional breakdown. Dito na nag start magpatingin sa psychiatrist si Snooky. Nag take siya ng mga medications para sa kanyang depression.

Hanggang sa nag-asawa na si Snooky ng isang actor at nabiyayaan ng dalawang anak na sina Sam at Sachi. Pero matapos ang 12 taon na pagsasama ay naghiwalay din sila ng kanyang asawa. Nag lie-low siya sa showbiz. Dahil sa nawalan siya ng trabaho ay naging newscaster siya sa Express Balita sa IBC 13 at nag trabaho din siya sa isang marketing firm. Pero noong matapos ang kanyang mga trabaho, naghirap si Snooky at dito nabalitang nag-tricycle na lamang siya. Pero tinulungan pa rin siya ng kanyang manager at nakabalik muli sa telebisyon sa tulong ng GMA 7.

Ang Snooky Serna Story ay pinangunguhan ni Snooky as herself, Gary Estrada as Richard, Juan Rodrigo as Dom, Lui Manansala as Eden, Reese Tuazon as Young Snooky, Kevin Santos as Leo, Mart Escudero as young Richard, Kevin Sagra as young Leo, Joaquin Manasala as Albert, Dayara Shane as Sam and Ms Gloria Diaz as Mila.

Ang Babae sa likod ng Blusang Itim: The Ups and Downs of Snooky Serna ay idinirihe ni Rechie Del Carmen, sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Angel Launo. Mapapanuod na ngayon sabado , Sept 1, 2018 pagkatapos ng The Clash!