TV

Rita Daniela hopes to inspire others through her 'Magpakailanman' life story

By Michelle Caligan

Nitong Sabado, March 2, mapapanood sa Magpakailanman ang kuwento ng buhay nina Ken Chan at Rita Daniela, na mas kilala ngayon bilang sina Boyet at Aubrey sa My Special Tatay.

Rita Daniela

READ: Magpakailanman presents "Never Give Up: The Ken Chan and Rita Daniela Story"

Tampok sa episode na ito ang mga pagsubok na pinagdaanan ng dalawang Kapuso stars bago nila nakamit ang inaasam na tagumpay sa kanilang showbiz career.

EXCLUSIVE: How does Rita Daniela juggle 'My Special Tatay' and 'Eto Na! Musikal nAPO!'?

LOOK: Ken Chan, itinanghal na TV Actor of the Year sa 50th Box Office Entertainment Awards

Sa Instagram post ni Rita, nagpasalamat ang singer-actress sa pagkakataong maibahagi niya ang kanyang kuwento.

Aniya, "Dati buhay ng ibang artista lang ang pinapanood ko sa Magpakailanman. Ngayon, buhay ko na ang papanoorin ng iba. We hope that we could inspire you more through this very life. God is my everything. I hope He is your everything, too."

Pinasilip naman ni Ken ang ilang behind-the-scenes videos mula sa kanilang taping.

Abangan ang '#NeverGiveUp: The Ken Chan and Rita Daniela story' ngayong Sabado, March 2, sa Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.