Kakaiba ang love story nina Teddy at Lorna Fernandez.
Ipinanganak si Lorna na isang 'midget' o mas kilala ngayon sa politically correct na terminong 'little person.'
Kahit madalas maliitin, hindi niya alintana ang itsura para makipagsapalaran sa pag-aaral at paghahanapbuhay.
Magbabago ang kanyang buhay nang makilala niya si Teddy na kasamahan niya sa trabaho.
Normal ang height at pangangatawan ngunit magpapahayag ito ng pag-ibig kay Lorna.
Maraming tututol sa kanilang relasyon. Paano kaya magtatapos ang kuwento ng pag-ibig nina Lorna at Teddy?
Abangan ang episode na "My Little Wife" sa pangunguna ni 'Onanay' star Jo Berry sa 'Magpakailanman' ngayong Sabado, September 15.