TV

Magpakailanman presents 'Drive Me Crazy (The Matet Craig Story)'

Nagmahal ka na ba ng isang playboy? Ito ang masaklap na naging karanasan ni Matet, isang TNVS driver, na sa kabila nang pagbibigay ng good vibes sa mga pasahero niya dahil sa makukulay na disenyo ng kotseng pinapasada niya, dumaan pala ito sa matitinding pagsubok mula nang maging biktima siya ng mga babaero.

Magpakailaman

Tunghayan natin ngayong Sabado, March 30, ang nakakabaliw na kuwento ng pagkakadapa at pagbangon sa isang espesyal na episode ng Magpakailanman na pinamagatang DRIVE ME CRAZY: THE MATET CRAIG STORY.

Sa pangunguna ng Kapuso star na si Glaiza de Castro sa kanyang madamdaming pagganap bilang Matet. Kasama rin sina Paolo Paraiso bilang Richard, Geleen Eugenio bilang Mama Belen, Chinggay Riego bilang Nanay Erlinda at Marika Sasaki bilang Lorena.

Sa direksyon ni Jorron Monroy, mula sa panulat ni John Roque, at pananaliksik ni Loi Argel Nova.