TV

Magpakailanman presents 'Nang Ako'y Iwan Mo'

Karamihan sa atin ay umaasang makakatagpo ng taong mamahalin tayo habang buhay.

Pero minsan kahit gaano mo man ito alagaan o protektahan, bigla naman itong lalayo at kukunin sa 'yo.

Hanggang saan mo kayang panghawakan ang pangakong "forever" kung ang tadhana ay naging mapaglaro sayo?

Ating balikan ang tagos sa pusong kuwento ng pag-ibig nina Lara at Mico na gagampanan nina Mikee Quintos at Yasser Marta.

Makakasama sa nasabing episode sina Rita Avila, Leandro Baldemor, Lui Manansala, Prince Clemente at Yvette Sanchez na pinamagatang “Nang Ako'y iwan Mo.” sa ilalim ng direksyon ni Monti Parungao, mula sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos.

Mapapanood ito ngayong Sabado, Abril 13, 2019, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.