TV

Magpakailanman presents 'Kailan Naging Ama ang Isang Babae: The Roxanne D' Salles Epic Story'

Ngayong June 15 at June 22, buong pusong inihahandog ng Magpakailanman ang isang very special two-part Father's Day at LGBTQ Pride Month episode na pinamagatang “KAILAN NAGING AMA ANG ISANG BABAE: THE ROXANNE D' SALLES EPIC STORY.”

Tungkol ito sa makulay na buhay ni Roxanne D' Salles na kilala dati bilang Roland Aggabao, isang dating US Army na napahiwalay sa kanyang dalawang anak mula sa dalawang magkaibangbabae at isa sa mga unang Pinoy sa buong mundo na sumailalim sa sex re-assignment surgery.

Bata pa lang si Roland, alam na niya na pusong babae na siya. Nang magbinata na siya, pilit na pinaglabanan niya ang kanyang totoong pagkatao. Nagkaroon siya ng girlfriend hanggang sa makilala niya si Roger, isang Fil-Am U.S. Navy soldier. Nagmahalan silang dalawa pero napahiwalay rin sila sa isa't isa nang sumabak si Roland sa Vietnam war.

Nang magtagpo ulit ang mga landas nila makalipas ang ilang taon na walang komunikasyon sa isa't isa, bagong kasal na si Roland kay Milette at pilit pa ring inililihim niya ang tunay na katauhan niya.

Makakaya pa kaya ni Roland na paglabanan ang totoong nararamdaman at pagkatao niya ngayong nagbalik na ang great love niya?

Pinagbibidahan ito ng Kapuso hunk na si Juancho Trivino bilang Roland. Kasama rin sina Rodjun Cruz bilang Roger, David Remo bilang batang Roland, Shyr Valdez bilang Lola Dominga, Archie Adamos bilang Lolo Hilarion, Nicole Donesa bilang Lita, Kelley Day bilang Milette at Aaron Concepcion bilang Amado.

Sa direksyon ito ni Zig Dulay, mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Rodney Junio.