TV

Magpakailanman presents 'Mamili ka, Ako o Anak Ko?'

Madalas tayong nakakasaksi ng mga kuwentong agawan, kabitan at sinasabing “ahasan”. Pero paano kung ang nag-aagawan sa iisang lalaki ay hindi lamang magkaibigan o magkapatid… kundi… mag-ina!

Sino ang magpaparaya? Sino ba ang tama?

Sa natatanging pagganap nina Ms. Amy Austria at Pauline Mendoza, tunghayan ang kuwento ng mag-inang sadyang naging marupok ang puso at pinagmukhang tama ang kanilang desisyon.

Makakasama sa nasabing episode sina Neil Ryan Sese, Leanne Bautista, Zonia Mejia at Erlinda Villalobos na pinamagatang “Mamili ka, Ako o ang Anak ko”, sa ilalim ng direksyon ni Neal Del Rosario, mula sa panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik nina Cynthia Delos Santos at Georis Tuca.

Mapapanood ito ngayong Sabado, Hulyo 13, 2019, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Starstruck.