TV

Zoren Legaspi, balik direktor after 13 years para sa 'Magpakailanman'

By Michelle Caligan

Pagkatapos ng 13 years, muling uupo sa director's chair ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi. Siya ang direktor ng episode ng Magpakailanman na mapapanood ngayong Sabado, July 27.

Zoren Legaspi

Magpakailanman presents "Ang Batang Sinagip ng Kapre"

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Sahaya actor na nakakapagod man daw ang trabahong ito ay gustong gusto niya namang gawin.

Aniya, "Directing GMA 7 Magpakailanman for 2 days, was mentally physically tiring but I'm loving it. I'm back [at] directing after 13 years."

Kasama sa episode na ito sina Luz Valdez, Rich Asuncion, Dion Ignacio, Rein Adriano, at Sue Prado.

Huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado, July 27, pagkatapos ng StarStruck.