TV

Magpakailanman presents 'The Girl in the Sex Scandal'

'The Girl in The Sex Video Scandal' ay kuwento ng isang babae na nakahanap ng tunay na pag-ibig sa gitna ng mga problema.

Naniniwala si ABBIE (KLEA PINEDA) na natagpuan na niya ang tunay na pag-ibig--o 'yun ang akala niya. Dahil kalaunan, napag-isip-isip ito nang kumbinsihin siya ng kaniyang boyfriend na i-record ang kanilang pagtatalik.

Dahil bulag pa noon si Abbie sa pagmamahal sa kanyang boyfriend na ito, pumayag siya.

Hanggang sa mag-break ang dalawa. Pero sa breakup na ito, lubos na nasaktan ang lalaki at ginamit ang videos nila against her. Pinost ito online, hanggang sa kumalat sa iba't ibang social media platform.

Naging viral ang sex scandal ni Abbie. Marami ang mabilis na humusga sa kanya. Nilait ang pagkatao niya. Kinuwestyon ang moralidad niya.

Pero sa gitna ng problemang ito, isang lalaki ang tumulong kay Abbie na mag-move on at labanan ang kalungkutan. SiDAN (JAK ROBERTO).

Nagkaroon din noon si Dan ng viral na post online tungkol sa kanyang girlfriend na namatay.

Pero ngayon, ginagamit niya ang natutunan sa pagkawala ng girlfriend para matulungan si Abbie.

Hanggang isang araw, ang pagkakaibigan ng dalawa ay nauwi sa tunay na pagmamahalan. Magawa kaya nila itong ipaglaban?

Alamin natin, ngayong Sabado, August 31, 2019 sa Magpakailanman. Pagkatapos ng Starstruck.

This episode was directed by DON MICHAEL PEREZ, written by JESSIE VILLABRILLE, and researched by MR. LOI ARGEL NOVA.