TV

Magpakailanman presents 'Kasal sa Funeral'

Parehong bigo sa pag-ibig. Inakala nilang namatay na ang puso nila para umibig muli. Pero natagpuan nila ang isa't-isa at binuhay muli ang mga inilibing ng puso sa gitna ng Formalin at Punerarya.

Hanggang kamatayan kaya ang pag-iibigan nila?

Tunghayan ngayong Sabado (Pebrero 8) ang nakakamatay sa tawa at nakakakilabot na kilig na pag-iibigan nina Thugz at Jeanette na pinamagatang “Kasal sa Funeral”.

Pinagbibidahan ito ng mga Kapuso stars na sina Maine Mendoza bilang Jeanette at Ruru Madrid bilang Thugz.

Makakasama din sina Lilet, Simon Ibarra at Dani Porter.

Sa ilalim ng direksyon ni Jorron Monroy, mula sa panulat ni Tina Samson-Velasco, at matinding pananaliksik ni Cynthia de los Santos.