Sama-sama nating tunghayan ang kuwento ng buhay at pag-ibig at pakikipagsapalaran ni Lt. Jerome Jacuba ngayong Sabado, November 5, sa 'Magpakailanman.'
Phytos Ramirez as PFC Lorenzo, Pancho Magno as 2Lt. Jerome Jacuba, Jestoni Alarcon as Sgt. Garcia at David Licauco as Corporal Canega
Private First Class ang ranggo ni Jerome nang ma-assign siya sa Calinog, Iloilo.
Dito makikilala ni Jerome si Rachel, na gagampanan ni Max Collins.
Naging masaya si Jerome sa piling ni Rachel, ikinasal sila at nagkaroon ng anak. Pero nagbago ang lahat nang ma-assign siya sa Maguindanao noong 2015.
Mabubulag si Jerome pagkatapos siyang masabugan ng isang IED habang tinutugis nila ang BIFF.
Si Ricky Davao ang direktor ng episode na ito.
Alamin ang kuwento ni Jerome ngayong Sabado sa “Sundalong Magiting: The Lt. Jerome Jacuba Story.”