TV

'StarStruck Season 7' First Prince Allen Ansay, gaganap bilang binatang may cancer sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Bahagi si StarStruck Season 7 First Prince Allen Ansay ng upcoming episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Ito ang pre-Lenten special episode na pinamagatang "A Mother's Faith." Iikot ang istorya kay Beth, isang inang relihiyosa--role na gagampanan ng dramatic actress na si Glydel Mercado.

Isa naman sa kanyang mga anak si JP, ang karakter ni Allen. Isang dagok ang darating sa kanilang mga buhay nang magkaroon ng sakit na cancer si JP.

"Ang kuwento po noon, parang puro himala kasi 'yung nanay namin parang ang lakas ng pananalig niya sa Diyos. Doon sa story na 'yun, nagka-cancer po ako. Ako po 'yung panganay na lalaki pero ako po 'yung sakitin," pahayag ni Allen.

Sa tingin daw niya, maraming makaka-relate at maaantig sa kanyang karakter.

"Nakakaiyak po talaga siya eh. Kahit hindi po talaga related sa buhay mo, nakakaiyak po 'yung istorya niya. Parang sinabi mo na 'Ma, dapat hinayaan mo na lang ako mamatay.' Kasi patay na dapat po ako noong bata ako. 'Pag inisip mo, parang ayaw mo nang lumabas kasi nga maga 'yung mukha mo, binu-bully ka ng ibang tao," aniya.

Panoorin ang pagbisita ni Allen at ng kapwa StarStruck Season 7 alum at #MPK co-star na si Abdul Rahman sa Bidang Bida sa Dobol B.



Huwag palampasin ang pagganap ni Allen sa upcoming #MPK episode na pinamagatang "A Mother's Faith," ngayong February 22 pagkatapos ng Daddy's Gurl sa GMA.