TV

Benjamin Alves, peg sina Robin Padilla at Ruru Madrid sa gangster role sa #MPK

By Marah Ruiz

Gaganap bilang isang gangster si Kapuso actor Benjamin Alves sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Dahil may pagka bad boy ang kanyang role, kumuha raw siya ng inspirasyon mula sa kilos at pananalita ng action star na si Robin Padilla at kapwa Kapuso actor na si Ruru Madrid.

"Si Direk Don Michael (Perez), sabi niya, talagang pinapa ano niya 'yung lakad ko. Eh 'wag na nating ilayo. Talagang si Robin Padilla po ang inspirasyon po talaga, or sa GMA si Ruru Madrid," ani Benjamin.

"I'm a fan of Ruru. Talagang peg ko siya para sa kilos ni Ador," dagdag niya.

Magkakagusto naman ang kanyang karakter sa isang 'di makabasag pinggan na dalaga na gagampanan ni Andrea Torres.

"'Yung maganda po dito, 'yung mga ganitong problema na mahirap lang si Ador tapos kailangan niya talagang rumaket para doon sa sitwasyon nila, pero 'yung treatment po niya sobrang napaka-light po, napakasaya. Bagay na bagay po sa February na Kapuso Love Month. Feel good, sobrang feel good po siya," pahayag niya.

Panoorin ang pagbisita ni Benjamin at ng kanyang #MPK co-star na si Andrea sa Bidang-Bida sa Dobol B.


Huwag ding palampasin ang #MPK episode na "My Gangster Lover" February 29, pagkatapos ng Daddy's Gurl sa GMA.