TV

Magpakailanman presents 'A Scandalous Crime'

Tulad nang maraming mga kabataan, mahilig din si Rina na mag-party kasama ng mga barkada niya. Pero hindi inakala ni Rina na sa gitna ng kasiyahan niya, magiging biktima siya ng hipnotismo ni Dennis, isang misteryosong estranghero na matagal nang sumusubaybay at may masamang balak sa kanya.

Habang nasa ilalim ng bisa ng hipnotismo, magiging sex slave si Rina, tatratuhin siyang hayop at gagawin ang lahat nang ipag-uutos ni Dennis. Paano kaya matatakasan ni Rina ang impiyernong kinasadlakan niya?

Tunghayan ngayong Sabado, March 21, ang isang nakakagimbal na sex-crime-family drama episode ng Magpakailanman na pinamagatang “A Scandalous Crime”.

Pinagbibidahan ito ng mga Kapuso stars na sina Ashley Ortega at Lucho Ayala. Kasama rin sina Elle Villanueva, Zonia Menia, Anthony Rosaldo, Lovely Rivero, Leandro Baldemor at Vaness del Moral.

Sa mahusay na direksyon ni Adolf Alix Jr., mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Stanley Pabilona.