TV

'Magpakailanman' episode nina Mike Tan at Jackie Rice, trending!

Trending sa YouTube and Magpakailanman episode nina Kapuso stars Mike Tan at Jackie Rice.

Pinamagatang "Asawa Mo, Asawa Ko: The Noah and Mae Castillo Story," ang Magpakailanman episode na ito ay unang umere noong August 2, 2014.

Tungkol ito sa mag-asawang sina Noah (Mike Tan) at Mae (Bela Padilla).

Ang una ang makikiapid sa kapitbahay nilang si Rina (Jackie Rice).

Dahil dito, gaganti sa kanya ang asawang si Mae sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa asawa naman ni Rina na si Ben (Rafael Rossell).

Panoorin ang buong episode dito:

Para sa iba pang full episodes ng Magpakailanman at iba pang Kapuso shows, maaring manood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.