GMA Logo Aiai Delas Alas
What's on TV

Aiai delas Alas, gaganap bilang natatanging ina sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published May 5, 2020 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS: 101 volcano-tectonic quakes logged at Bulusan Volcano
El NiƱo Alert, Giisa na sa PAGASA | Balitang Bisdak
Anne Curtis is the cover star of a lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Tampok si Aiai delas Alas sa viral story ng isang inang sinorpresa ng kalderong may one million in cash sa '#MPK.'

Si Kapuso actress Aiai delas ang bibida sa Mother's Day Special ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.

Bibigyang buhay niya ang kuwento ni Beng, isang natatanging ina na marami nang hinarap na pagsubok para sa kanyang pamilya.

Bilang pasasalamant, sosorpresahin siya ng kanyang anak na si Rotski (Martin del Rosario) ng isang 'di inaasahang regalo na babago ng kanyang buhay.

Papaliliin kasi siya nito kung gusto niya ng cash o ng isang kaldero. Hindi niya alam na puno pala ng isang milyong piso ang kaldero! Agad naman nag-viral pa ang kuwento ng mag-ina.




Huwag palampasin ang "Isang Milyong Pasasalamat Kay Ina" ang Mothers Day Special presentation ng #MPK, ngayong Sabado, May 9 pagkatapos ng Daddy's Gurl.