TV

Andrea Torres bilang babaeng hinihinalang aswang sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Isang babaeng kakatwa ang kilos, aswang nga ba o baliw?

Ngayong mainit na usapin ang mental health sa Pilipinas, hatid ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ang kuwento ni Gloria, isang babaeng hinihinalang aswang.

Bagong dating si Gloria sa bayan at dahil sa angkin niyang ganda, mapapa-ibig niya ang binatang si Johnny.

Nang magsama na ang dalawa, mapapansin ni Johnny na tila nagbabago ang ugali ng asawa.

Bukod dito, may mga hayop na matatagpuang wala nang dugo malapit sa kanilang tirahan.

Maghihinala tuloy ang kanilang mga kapitbahay na isang aswang si Gloria!

Tunay nga ba siyang aswang o may diperensiya lang sa pag-iisip?

Si Andrea Torres ang gaganap bilang Gloria, habang si Benjamin Alves naman ang gaganap bilang kanyang asawang si Johnny.



Huwag palampasin ang episode na pinamagatang "Ang Asawa Kong Aswang" ngayong Sabado, May 16, 8:50 p.m. sa #MPK.