TV

WATCH: Natatanging pagganap ng Kapuso actors sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Kuwentong hango sa tunay na buhay ang pangakong hatid ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Kaya naman para mabigyan ng pagpupugay ang mga taong nagbahagi ng kuwento ng kanilang mga buhay, buong puso ang pagganap ng mga Kapuso actors na ito sa kanilang mga karakter.

Gumanap si Jeric Gonzales bilang Jim, isang overseas Filipino worker (OFW) na naloko ng kanyang agency sa "Male Sex Slave sa Saudi."

Binigyang buhay naman ni Yul Servo si Jason, isang tricyle driver na nawalan ng asawa at mga anak sa "Yanig ng Buhay." Kuwento ito ng ilang tao na naapektuhan ng lindol sa Porac, Pampanga noong 2019.

Si Derrick Monasterio naman ay gumanap bilang ang Wowowin contestant at todo-kayod na amang si Ken sa "My Viral Single Tatay."

Gumanap naman bilang Radji, isang honor student na nasira ang buhay dahil sa droga, si Ruru Madrid sa "Adik Sa'yo."

Hindi naman malilimutan ang pagganap ni Dennis Trillo bilang Samuel, ang lalaking pumaslang, kumatay, at nagluto sa sarili niyang ama matapos ang maraming taon ng pang-aabuso sa "Patawad, Ama Ko."

Si Wendell Ramos naman ang nagbigay-buhay kay Brando, isang amang patuloy na inaabuso ang sariling anak sa "Sa Kamay ng Sarili Kong Ama."

Hindi naman pahuhuli ang young actor na si Will Ashley sa pagganap niya bilang Cris, isang estudyanteng pinagsamantalahan ng kanyang guro sa "Arrest My Son's Rapist."

Panoorin ang kanilang buong pusong pagbibigay-buhay sa iba't ibang kuwento dito:

Samantala, patuloy na abangan ang mga kuwento ng #MPK bawat Sabado 8:50 pm sa GMA.

Maari ring balikan ang mga episodes na umere na sa pamamagitan ng GMA Network App o pagbisita sa GMANetwork.com/FullEpisodes.