TV

Tambalang Divine Aucina at Joshua Dionisio, mapapanood sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Bibigyang buhay nina Divine Aucina at Joshua Dionisio ang kuwento ng isang babaeng nag-viral ang mga litrato nang makatulog sa bus habang nakanganga.

Tampok ang dalawa sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman na pinamagatang "Trending: Ang Babae sa Bus."

Kuwento nito ni Franz, na gaganapan ni Divine, na makakaranas ng cyberbullying matapos kumalat ang kanyang mga litrato sa social media.

Nasa likod naman niya ang kasintahang si Phrain, na gagampanan ni Joshua, na laging nakasuporta sa kanya.


May imbitasyon pa mismo si Joshua para sa mga manonood.


Huwag palampasin ang episode na pinamagatang "Trending: Ang Babae sa Bus" ngayong Sabado, May 30, 8:50 pm sa #MPK.