TV

Buhay ni DJ Loonyo, tampok sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Fresh episodes na ang mapapanood ngayong linggo sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sa upcoming episode ngayong Sabado, July 18, tampok ang kuwento ng viral dancer at choreographer na si DJ Loonyo.

Tubong Cagayan de Oro si DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa tunay na buhay.

Nagsimula siyang magsayaw noong high school ng jazz dance pero nahilig sa hip-hop kinalaunan.

Nag-train din siya sa iba't ibang sikat na dance champions sa Pilipinas tulad ng Philippine Allstars at Rockstars.

May sarili na rin siyang dance group na tinatawag na Rock*Well.

Ngayon, mas kilala na siya online dahil sa dance tutorials na ipino-post niya sa Facebook, Instagram, at TikTok.

Pero sino nga ba si DJ Loonyo sa likod ng kanyang mga nakakaaliw na sayaw?

Inimbitahan naman ni DJ Loonyo ang kanyang fans at mga manonood ng #MPK na tunghayan ang episode tungkol sa kanyang buhay.



Huwag palampasin ang kuwento ng buhay ng viral dancer, DJ at choreographer na si DJ Loonyo ngayong Sabado, July 18, 8:00 pm sa brand new episode ng #MPK.

DJ Loonyo on mass testing remark: "I apologize for the wrong use of terminology"

TikTok stars DJ Loonyo at Ms. Everything, special guests sa 'All-Out Sundays'