TV

Janice de Belen, gaganap bilang OFW na makakapulot ng malaking halaga sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Isa na naman kuwento mula sa isang OFW o overseas Filipino worker ang tampok sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Ang beteranang aktres na si Janice de Belen ang magbibigay buhay sa kuwento ni Mildred, isang basurera sa Hong Kong.

Tubong Nueva Vizcaya si Mildred at dahil sa hirap ng buhay dito, nakipagsapalaran siya sa Hong Kong.

Namasukan siya bilang isang domestic helper para sa isang pamilya.



Maayos na nagtatrabaho at nakakapagpadala ng pera sa Mildred sa Pilipinas hanggang sa isang araw, nakaranas siya ng sexual harassment mula sa kanyang amo.

Agad niya itong kinasuhan, bagay na magiging dahilan para tanggalin siya nito sa trabaho.

Inilihim ni Mildred mula sa kanyang pamilya sa Pilipinas ang pagkawala ng kanyang trabaho.

Para makapanatili sa Hong Kong at patuloy na makapagpadala ng pera sa mga ito, naging basurera si Mildred.

Isang araw, makakapulot siya ng isang sobre ng naglalaman ng malaking halaga ng pera at ilang ang mga tseke.

Ito na ba ang magiging susi sa mga problema ni Mildred?

Abangan ang kanyang kuwento sa episode na pinamagatang "Homeless in Hong Kong: The Mildred Perez Story," ngayong Sabado, July 25, 8:00 pm sa #MPK.