GMA Logo Shamaine Buencamino on MPK
What's on TV

Shamaine Buencamino, gaganap bilang isang COVID-19 patient sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published August 12, 2020 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Shamaine Buencamino on MPK


Tampok si Shamaine Buencamino bilang inang tatamaan ng COVID-19 sa upcoming fresh episode ng '#MPK.'

Napapanahon ang upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.

Tungkol ito sa isang pamilya ng mga nurse kung saan lahat ng miyembro nito ang tatamaan ng COVID-19.

Ang award-winning actress na si Shamaine Buencamino ang gaganap bilang ang ina ng pamilya na si Remy.

"Ma-i-insire po kayo sa kanilang inang si Remy na kahit nagkasakit din, patuloy na binigyan ng pag-asa ang kanyang pamilya," pahayag ni Shamaine.

Pinamagatang "Walang Iwanan: The Layug Family Story," ang espesyal na episode na ito ay ang pagpupugay ng #MPK sa mga frontliners at pati na sa mga pamilyang Pilipino sa buong mundo.

"Mga kapuso, huwag n'yo pong palampasin ang bago at napapanahong kuwento tungkol sa isang pamilyang hinamon ng COVID-19," pag-imbita niya.

"Ngayong Sabado na po ito, 8:00 pm dito po sa #MPK," dagdag pa ni Shamaine.




Makakasama din si Shamaine ang kanyang asawang si Nonie Buencamino na gaganap naman bilang Rainier, ang padre de pamilya.



Kasama rin nila sa episode si Rita Daniela na gaganap naman bilang kanilang bunsong anak na si Lea.

Huwag palamasin ang "Walang Iwanan: The Layug Family Story" ngayong Sabado, August 15, 8:00 pm sa '#MPK.'