TV

Kuwento ng isang beki husband, tampok sa fresh episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz

Tampok ang versatile Kapuso actor na si EA Guzman sa upcoming fresh episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating sa Sabado.

Gaganap siya bilang si VJ, isang out and proud gay man.

Sa pamamagitan ng kanyang mga kaibigan, makikilala niya ang dalagang si Rizza na gaganapan ni Kapuso actress Ana de Leon.

Aamin si Riza na gusto niya si VJ, anuman ang kasarian nito.

Magkakapalagayan ang loob ng dalawa at magsisimulang magsama--bagay na tututulan ng mga magulang ni Rizza.

Tutol man ang kanyang amang si Manny sa pagiging bakla ni VJ, susuportahan naman nito ang relasyon niya kay Rizza.

Kalaunan, magkakaroon ng isang anak sina VJ at Rizza.

Ano ang mga haharaping hadlang ni VJ bilang isang asawa at amang beki? Alamin sa bagong episode na pinamagatang "My Gay Husband" ngayong Sabado, August 29, 8:00 pm sa #MPK.