TV

Carla Abellana, may imbitasyon para sa kanyang upcoming '#MPK' episode

By Marah Ruiz

Malugod na iniimbita ni Kapuso actress Carla Abellana ang mga manonood na tunghayan ang kanyang pagganap sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.


Pinamagatan ang episode na "Sinapupunang Paupahan" kung saan gaganap siya bilang si Naneth, isang baby maker.



Para kay Carla, maipapakita sa kuwento ang lubos na pagmamahal ng kanyang karakter sa ina nito.

"Mga Kapuso, iniimbitahan po namin kayong manood ng Sinapupunang Paupahan sa #MPK. Ito'y isang kuwento ng wagas na pagmamahal sa magulang," panimula niya.

"Bibigyang buhay ko po si Naneth, isang huwarang anak na handang gawain ang lahat para sa ina, kahit pa ibenta ang sariling katawan at magpabuntis para sa kanyang pagpapagamot. Ngayong Sabado na po 'yan 8:00 pm sa #MPK," dagdag pa niya.

Panoorin ang imbitasyon ni Carla dito.


Bukod kay Carla, bahagi din ng episode sina Ryan Eigemann, Ina Feleo at Janine Desiderio.

Huwag palamapsin ang "Sinapupunang Paupahan: The Naneth Villegas Story," ngayong Sabado, September 19, 8:00 pm sa '#MPK.'