TV

Martin del Rosario at Bea Binene, umani ng papuri sa pag-arte sa '#MPK'

By Nherz Almo

Maraming manonood ang humanga sa performance nina Martin del Rosario at Bea Binene sa "The Lockdown Wife" episode ng #MPK kagabi, October 10.

Sa Twitter, inihayag ng mga nakapanood ng naturang episode ang kanilang paghanga sa dalawang Kapuso actors.

Sa katunayan, isa pa ito sa mga nangungunang trending topics sa Twitter Philippines kagabi.

"This episode is keeping me on the edge of my seat," sabi ni Twitter user @gidagaw.

"OMG di ko na na-picturan ung SCARY EYES ni Dexter as he was walking back to his house 'coz I was that SHOOKT," sabi naman ni @workofmat sa isang nakababahalang eksena ni Martin.

"Sorry, @beabinene i can't even watched you," sabi ni @sey_carlos, na tila nadala na sa mga makabagbad-damdaming eksena ni Bea.

Sabi naman ni @maxqnx, "Nakakastress parang kasama kami sa scene ehh grabe #MPKLockdownWife"

Dahil sa kanilang mahusay na pagganap, puring-puri ni @iamdaile sina Bea at Martin, "We want to give you guys many claps for your good acting skills, [clapping hands sign] sana more projects pa para happy kami makita kayo sa screen. @mart_drosario @beabinene just only wow acting for #MPKLockdownWife episode. Galing galing! Love and support always guys.Smiling face with smiling eyes."

Samanta, lubos naman ang pasasalamat nina Bea at Martin dahil sa mga positibong komentong natanggap nila.