
Isang kuwento ng pag-ibig na 'di magpapatalo sa panghuhuhusga ang hatid ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado
Tampok dito si Kapuso hunk Jeric Gonzales bilang si Alex, isang deaf student na mahuhulog ang loob sa kanyang teacher.
Marami ang tututol sa kanilang relasyon dahil bukod sa isang person with disability si Alex, may agwat din ang kanilang edad.
Makakatambal ni Jeric si Thea Tolentino na gaganap naman bilang kanyang guro na si Beth.
Maipaglaban kaya ng dalawa ang kanilang pag-ibig?
Alamin 'yan sa episode na pinamagatang "Sign Language of Love," ngayong Sabado, January 22, 9:00 p.m. sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: