TV

Juancho Trivino, gaganap bilang battered husband sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Masaya daw si Kapuso actor Juancho Trivino na mabait at mapang-unawa ang asawang si kapwa Kapuso at celebrity host Joyce Pring.

Malayo raw ang karasanan niya sa kanilang pagsasama sa karanasan ng taong gaganapan niya sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay kasi ni Juancho ang kuwento ni Mark, isang battered husband sa parating na episode ng #MPK ngayong Sabado.

"Ang pangalan ko dito ay Mark. Ako 'yung battered husband. Hindi ako battered husband in real life kaya medyo challenging sa'kin 'yan," pahayag ni Juancho sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong November 24.

Hindi rin daw napigilan ni Juancho na makaramdam ng awa sa kanyang karakter, lalo na at alam niyang isang totong tao ang role na gagampanan niya.

"Medyo challenging kasi siya for me dahil never akong naka-experience ng anything like this. Noong inaaral namin 'yung script, noong inaaral namin 'yung characters namin, awang awa kami doon kay Mark sa totoong buhay. I really felt for him," aniya.

Inilarawan din niya ang kanyang karakter na si Mark na isa na raw sa pinakamahirap na roles na ginampanan niya.

"'Yung character kasi is this security guard na hindi nakakapag-provide sa family niya kaya nagkakaroon sila ng conflict ng wife niya. 'Yung wife niya, nagre-rersort to pambubugbog. Super duper heavy drama siya. matagal kong pinaghandaan. Isa sa pinaka-challenging role na ginawa ko ever," kuwento ni Juancho.

Makakasama ni Juancho sa episode si Andrea Torres na gaganap bilang kanyang asawang si Arlene at si Angela Alarcon bilang kanyang kababata na si Anna.

Abangan ang pagganap ni Juancho bilang isang battered husband sa episode na pinamagatang "Mister, Bugbog Kay Misis" ngayong Sabado, July 23, 8:15 pm sa #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: