Abangan ang muling pagtatambal ng dating magkarelasyon na sina Janice de Belen at Gabby Concepcion ngayong Sabado, June 24, sa 'Magpakailanman.'
Ang anak ni Janice na si Inah de Belen ang gaganap bilang young Julieta.
Si Jeric Gonzales naman ang young Ariel.
Kasama rin sa episode na ito si Bruno Gabriel.
Gaganap si Janice de Belen bilang Julieta Manuel.
Bibigyang buhay naman ni Gabby Concepcion si Ariel Cruz.
Si Thea bilang young Mila, ang mapapangasawa ni Ariel na kalaunan ay mamamatay sa cancer.
Muli ring magkakatrabaho ang dating mag-love team na sina Jeric at Thea.
Dating high school batchmates sina Ariel at Julieta, at nag-reconnect lamang nang magkaroon silang ng reunion 40 years later.
Huwag palampasin ang "May Forever: The Ariel Cruz and Julieta Manuel Story" na nasa direksyon ni Ms. Gina Alajar.