
Gaganap si Michael Flores bilang isang amang mang-aabuso sa tatlo niyang anak sa upcoming fresh at brand new episode ng '#MPK.'
Mailalarawang "intense" ang upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Tampok dito ang mga Kapuso actresses na sina Ashley Ortega, Therese Malvar at Althea Ablan bilang magkakapatid na makakaranas ng sekswal na pang-aabuso mula sa sarili nilang ama.
Makakasama nila sa episode si Michael Flores na siyang gaganap bilang kanilang tatay.
"Ang character ko ay si Nestor. Siya po ang tatay ng tatlong dalaga na 'yan. Ito ang pinaka challenging na character na ginawa ko ngayon. Kakaiba eh," kuwento ni Michael sa ginanap na Zoomustahan kasama ang Kapuso Brigade noong August 11.
Mabigat daw ang role para sa kanya lalo na at isa rin siyang ama.
"Gumagawa ako ng kontrabida roles, may mga rape scenes din ako nagawa na before. Pero 'yung ganitong istorya na mismong mga anak ko pa, first time 'to. Puro lalaki ang anak ko, tatlong lalaki. Noong nalaman ko na tatlong babae ang anak ko [sa episode], pumasok nga sa utak ko na buti na lang tatlong lalaki ang mga anak ko. Kung nagkataon na tatlong babae 'yung mga anak ko [sa tunay na buhay], baka mahirapan akong gawin 'tong character na 'to," lahad ni Michael.