TV

Kokoy de Santos, gaganap bilang bulag na marathon runner sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Isang natatanging pagganap mula kay Kokoy de Santos ang dapat abangan sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang bulag na marathon runner sa episode na pinamagatang "The Blind Runner: The Mark Joseph 'Aga' Casidsid Story."

Gaganap siya bilang si Aga, na may kundisyong tinatawag na retinopathy of prematurity kung saan hindi normal na pagtubo ng blood vessels sa retina. Kadalasan itong nagdudulot ng pagkabulag lalo na sa mga premature babies.

Nakakakita pa sa isang mata si Aga noong siya ay nag-aaral pa. Sa kasamaang palad, tuluyan na rin siyang nabulag kalaunan.

Para magampanan ang role at maisadula nang mabuti ang kundisyon ni Aga, kinailangan magsuot ni Kokoy ng puting contact lenses sa kanyang mga mata.

Aga (Kokoy de Santos) runs guided by Coach Gado (Marx Topacio.)
Bukod kay Kokoy, bahagi din ng episode si Snooky Serna at William Lorenzo na gaganap bilang magulang ni Aga na sina Judith at Eddie.

Si Kristoffer Martin naman ang gaganap bilang Darryl, ang supportive na kapatid ni Aga na makakahanap ng running coach para sa kapatid.

Si Marx Topacio naman ay si Coach Gado, ang trainer at katuwang ni Aga sa pagtakbo sa mga marathon.

Huwag palampasin ang natatanging pagganap ni Kokoy sa fresh at brand new episode na "The Blind Runner: The Mark Joseph 'Aga' Casidsid Story," March 5, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: