TV

MAGPAKAILANMAN presents “The Ronaldo Niangar Story”



Ngayong Sabado, sa isang espesyal na pagtatanghal ng Magpakailanman para sa Father's Day, tunghayan natin ang kuwento ng isang ama na ginawa ang lahat para sa kaniyang anak na may sakit na cerebral palsy.

Kumalat na online ang pangalang Ronaldo Niangar, at ang Flowers of Hope for Jewelyn. Si Ronaldo ang ama ng batang si Jewelyn na may cerebral palsy. Para tustusan ang pangangailangan ng anak na may special needs, gumagawa sina Ronaldo at ang iba niyang mga anak ng flower pens na kanilang ibinibenta.

Pero ano ba ang kuwento sa likod ng Flowers of Hope? Ano ang naging buhay nina Ronaldo at ng kaniyang mga anak bago bumalik ang pag-asa sa kanilang buhay? Nasaan ang asawa ni Ronaldo?

Alamin ang kaniyang kuwento, sa natatanging pagganap ni Ogie Alcasid, kasama sina Manilyn Reynes, Lexi Fernandez, Mona Louise Rey, Spanky Manikan, at Eva Darren.

"Flowers of Hope: the Ronaldo Niangar story" is directed by Dondon Santos, from the script written by Mary Rose Colindres, based on the research of Loi Argel Nova. The episode also features Jeric Gonzales, Thea Tolentino, and Kaye Samson.

Magpakailanman airs Saturday nights, after Vampire ang Daddy Ko.