TV

Jak Roberto, gaganap bilang billiards champion Johann Chua sa '#MPK'

By Marah Ruiz

Isang napapanahong kuwento ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanaman.

Bibigyang buhay kasi nai Kapuso actor Jak Roberto ang kuwento ng billiards champion na si Johann Chua na fresh mula sa pagkakapanalo ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games para sa Men's 9-Ball Singles.

Ipapakita rito ang iba't ibang pagsubok si Johann mula pagkabata bago siya makilala sa larangan ng billiards.

Makakasama ni Jak sa episode ang mga beteranong aktor na sina William Lorenzo at Shamaine Buencamino. Bahagi rin ng episode sina Denise Barbacena at Dilek Montemayor.

Personal na kakilala ni Jak si Johann dahil nagkatrabaho sila sa GMA Telebabad series na Bolera.

Dahil tungkol ito sa billiards, nagsilbing script consultant at coach si Johann sa cast nito, kabilang si Jak.

Abangan ang pagganap ni Jak bilang Johann Chua sa fresh and brand new episode na "Batang Kampeon sa Bilyaran," May 28, 8:15 p.m. sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: